Karl Blanco
Bionote:
Ako si Karl Emmanuel E. Blanco. Ako ay labinlimang taong gulang at ako ay nakatira sa Los Baños, Laguna. Ako ay kasalukuyang nasa ika-siyam na baitang at nag-aaral sa Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas (UPRHS). Mahilig akong maglaro ng volleyball at kasalukuyan akong kasali sa varsity team ng UPRHS. Habang tumatagal ay mas marami rin ang akong natututunan sa larong ito. Kasalukuyan din akong kasali sa UPRHS Glee Club at marami rin akong natututunan tungkol sa pagkanta. Tuwing may oras, mahilig din akong magbasa ng mga nobela. Samahan ninyo ako at tayo'y maglaro at umawit.
Klenn Borja
Bionote:
Ako po si Klenn Jakek Vidad Borja, isang mag-aaral sa UPRHS. Mahilig akong gumawa ng mga maiikling storya, mga gawa-gawang tula at iba pa. Propesyon kong maging isang programmer kamakailan sapagkat mahilig ako mag-kompyuter at magkalikot ng mga bagay-bagay sa loob ng isang kompyuter. Mahilig din ako mag-gitara ngunit di ako ganoon kagaling kagaya sa mga taong matatagpuan sa Internet at nag-popost nang 'fingerstyle arrangements' ng mga sikat na kanta. Minsan ay gumagawa ako ng mga 'gameplay' sa Youtube, maaari niyo akong matagpuan doon pero di ako ganoon kasikat. Mahilig rin ako mag-edit ng videos bilang isang paglipas-oras. Ba-bye!
Basti Calabia
Bionote:
Ako si Bastian Nathaniel F. Calabia. Pinanganak ako sa San Pablo at doon na rin ako lumaki, ngunit ngayon ay nag-aaral ako sa UP Rural High School. Wala naman akong gustong propesyon--basta yung madali at magpapasaya sa akin. Mahilig ako sa mga kompyuter. Ako pa nga ang nagtayo ng kompyuter para sa sarili ko. Mahilig ako sa lahat ng uri ng musika at minsan, sumasayaw ako kahit nakakahiya. Naglalaro rin ng halos lahat ng klaseng laro, lalo na ang laro sa kompyuter at laro kasama ang aking aso na si Tobi. Kung gusto mo, sumama ka rin sa akin!
Eias Correa
Bionote:
Ako si Ezekias D. Correa. Ako ay nakatira sa Bay, Laguna. Isa akong estudyante sa baitang-siyam. sa UP Rural High School. Mahilig ako tumugtog ng gitara, ngunit hindi tulad ng karamihan, hindi ako mahilig sa 'fingerstyle'. Mahilig ako makinig sa rock music at OPM. Nanonood rin ako ng mga video sa Youtube na tungkol sa paggigitara. Panghuli, sinusubukan ko rin magsulat ng kanta base sa aking mga karanasan. Halika at tayo’y tumugtog!
Princess Garcia
Bionote:
Ako si Princess D. Garcia, isang estudyante ng UP Rural ng ikasyam na baitang. Ako ay isang taong may paninindigan at totoo sa kanyang sinasabi. Marami akong gustong gawin sa mga bakante kong oras ngunit ang pinakahilig ko ay ang panonood ng mga pelikula na may mapupulot na aral, at pagbabasa ng mga storya na nakakaakit sa akin. Mahilig din ako maglaro ng isport na soccer. Ako rin ay isang taong ginagawa ang mga bagay sa abot ng kanyang makakaya, ito man ay sa pagiging estudyante, kaibigan, kapatid, o anak.
Shantell Go
Bionote:
Shantell Valerie Go, ang temporary blogger na wala talagang alam sa pagbo-blog. Naninirahan sa Los Baños dito sa Laguna. Labing-apat na taong gulang, 5'0, 'wag na 'yung weight. Hindi hilig ang public speaking pero susubok para sa ikauunlad ng lahat. Pero mahilig magbasa ng mga nobela at magsulat ng mga tula; mahilig din sa musika, pero hindi kayang tumugtog ng kahit ano (pasensiya, hehe). Marunong din ako mag-drawing ng stick (biro lang, mga shade lang do'n, shade rito, gano'n). At higit sa lahat, kadalasang napupunang may kalakasang tumawa at palaging nakangiti. Qotd (lol): "Palaging simulan ang araw nang nakangiti!"
Charlene Tamisin
Bionote:
Ako si Charlene May B. Tamisin. Labinlimang taong gulang at nakatira sa Los Baños, Laguna. Ako ay nag-aaral sa UPRHS ng ikasyam na baitang. Mahilig ako maglaro ng volleyball at lumangoy. Mahilig din akong magbasa at mag-aral kapag may oras. Ako rin ay gumagawa ng mga "vlogs" tungkol sa iba’t ibang bagay. Samahan ninyo ako sa aking paglalakbay sa araw araw ng aking buhay!
No comments:
Post a Comment