Featured Post

Maligayang Pagbisita!

Kamusta! At naririto kayo sa isang blog na naglalaman ng mga mahiwagang posts at 'videos' na naglalaman ng mga impormasyong tungkol...

Friday, October 5, 2018

Ezekias D. Correa - Talumpati 2


Transcript:


Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay si Eias Correa, na nasa ika-siyam na baitang, pangkat Acacia. Lagi ba kayong kumakain sa loob ng canteen? Alam ba ninyo ang mga patakarang dapat sundin dito? Bilang isang Ruralite, alam ko ang mga patakarang ipinatutpad dito. Subalit, narito ako ngayon upang humingi ng paumanhin sa aking nagawang paglabag sa alituntunin ng ating paaralan.

Kahapon ay tatlumpung minuto lang ang lunch break namin. Sa aking pagmamadali para hindi mahuli sa susunod na klase, hindi ko naayos ang aking pinagkainan sa canteen at naiwan ko pa ang balat ng aking kinainang tsokolate sa lamesa. Hindi ako sumunod sa patakarang self-bussing sa canteen at sa patakarang itapon sa tamang lugar ang basura.

Inaamin ko po na ito ay isang pagkakamali at may mga taong naapektuhan. Una, walang ibang maglilinis ng aking iniwang pinagkainan at kalat kundi ang mga staff sa canteen. Ito ay dagdag trabaho sa kanila at maaabala rin sila sa kanilang mga ginagawa. Ang iba pang naapektuhan ay ang mga taong nais kumain sa malinis na mesa. Hindi nila magagawa ito dahil may iniwan akong pinagkainan at kalat.

Mayroon man akong dahilan kung bakit ko iyon nagawa, dahil nagmamadali nga ako para hindi mahuli sa susunod na klase, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para iwanan na lang ang pinagkainan. Ito ay maituturing paglabag sa patakarang pampaaralan.
  
Kaya’t narito po ako ngayon sa inyong harapan, at nagsisisi sa aking nagawa. Humihingi ako ng tawad sa paaralan, sa pagsuway ko sa patakaran. Humihingi ako ng tawad lalo na sa mga staff na naabala at naglinis ng aking kalat. Pasensya na rin sa ibang mga nais kumain subalit nandun pa ang aking pinagkainan at kaalat. Patawad po ang aking hinihiling mula sa inyo. Sa susunod po ay lagi ko nang aalahanin na ilagay ang aking pinagkainan sa tamang lagayan at itatapon ang aking basura sa tamang lalagyan. Uugaliin ko na ring kumain ng tangahalian nang mas mabilis at hindi na makikipag kwentuhan pa upang magkaroon ng sapat na oras na magligpit at hindi magamamadaling pumunta sa susunod sa klase.

Ang isang pagkakamali ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang matuto at magbago. Natuto na po ako at alam ko pong ito ay may kaakibat na kaparusahan upang mas maging disiplinado. Dahil sa aking nagawa, ay handa po akong maglaan ng work service sa canteen. Ito ay magbibigay sa akin ng pagpapahalaga sa mga ginagawa ng mga staff sa ating canteen at laging maalalala na may iba pang taong gumagamit ng canteen, kaya’t kailangang magligpit bago umalis.

Maraming salamat po at salamat sa inyong pang-unawa.

No comments:

Post a Comment