Featured Post

Maligayang Pagbisita!

Kamusta! At naririto kayo sa isang blog na naglalaman ng mga mahiwagang posts at 'videos' na naglalaman ng mga impormasyong tungkol...

Sunday, October 7, 2018

Klenn Jakek V. Borja - Talumpati 1



Transcript: 

Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga po pala si Klenn Jakek V. Borja, isang estudyanteng nasa ika-siyam na baitang sa UPRHS. Salamat sa iyong tanong. Buhay-estudyante… hay. Para sa akin, mahirap talaga maging isang estudyante sapagkat isa ito sa kailangan mong harapin kung gusto mo magkaroon ng magandang kinabukasan. Sa iyong mga sinabi kanina, acads, co-curricular, pagiging isang anak/kapatid/kaibigan. Unahin muna natin sa acads. Alam naman natin na mahirap ang acads sapagkat pwede ito maging sagabal sa ating talaan ng mga gawain pang-araw-araw maging ang mga wikends na kasama natin ang ating pamilya. Mayroong din sa mga kabilang na ang mga proyekta na may takdang araw na kailangang ipasa ang mga nagawa. Marami sa atin bilang mga estudyante ang nakaranas na ng walang tulog magdamag o mayroon ngang tulog pero unti lamang. Ang tawag natin doon ay ‘procrastination’ o paggawa ng mga takdang gawain na nakatakda para bukas na sinabi naman noong nakaraang isang linggo. Ngunit kaya naman natin ito masolusyonan gaya ng pag-balance natin ng mga gawain. Sa aking palagay, hinahati ko ang mga kailangang gawain sa mga gawaing pwede naman gawin pagkatapos gawin ang mga kailangang gawin. Medyo nakakahilo diba? Basta ang pag-balance ng acads para sa akin ay paggawa ng acads bago ang mga gawaing libangan o aliwan. Sa co-curricular naman, pagkatapos ko gawin ang mga ‘acads’ ay papraktisin ko naman ang aking mga ‘hobbies’ na tinatawag. Ang aking libangan ay pagtugtog ng mga instrumento na para sa akin ay nakatutulong din sa aking pag-aaral sapagkat iniisip ko na pag ako’y nakatapos ng isang gawain tulad nito ay piling ko kaya ko pang magtapos ng iba. Oo, mahirap ngang ipagpaliban muna ng ilang araw ang mga nakakaaliw na gawin pero ang mga bagay naman na ito, pwedeng gawin muli pagkatapos gawin ang mga mahahalagang bagay. Sa pagiging isang anak/kapatid/kaibigan, para sa akin ito’y mas nararapat na mauna. Ititigil mo ba ang iyong kamay sa pagsulat ng essay, sa pagtugtog ng gitara e’ may nangyari na sa kapamilya/kakilala mo? Oo, mahalaga nga ang dalawang nauna sa sinabi ko pero nararapat rin ng tulong at gabay ang mga taong nagpakilala satin sa mundong kinahihintulutan o ating kinatatayuan. Maaaring may oras na magkaroon nga ng panahon na tayo’y kumailangan rin ng tulong ng iba at naandoon sila para sa atin.  Bilang buod ng sinabi ko bilang estudyante, uunahin ko maging isang anak/kapatid/kaibigan bago gawin ang acads at ipagpatuloy ang interes sa iba’t ibang larangan ng co-curricular. Maraming salamat sa mga nakinig sa aking mga sinabi at sana’y nakatulong man lang ako sa inyo.

No comments:

Post a Comment